Hindi nasusukat sa layo ang pagpapakita ng pagmamahal! Huwag mawala sa mga importanteng okasyon at magpadala na ng PARCEL-LUBONG sa mga kamag-anak, kaibigan, o mahal mo sa buhay dito sa Pilipinas gamit ang Buyandship.
PARCEL-LUBONG – maliit na padala galing sa mga kamag-anak, kaibigan, o mahal sa buhay mula sa ibang bansa papunta sa Pilipinas gamit ang Buyandship.
Hindi mo na kailangang mag-antay ng buwan o taon para iparamdam ang pagmamahal mo sa mga mahal mo sa buhay sa Pilipinas! Basahin sa baba ang kung paano mag-padala ng PARCEL-LUBONG gamit ang Buyandship.
Paano Mag-Padala ng PARCEL-LUBONG?
Step 01: Mag-Register sa Buyandship ng LIBRE gamit ang PH Mobile Number
Una, kailangan mo munang mag-register sa Buyandship gamit and PH mobile number. Mabilis at libre lang ang paggawa ng account, kailangan mo ito para makita ang 12 shipping address at Member ID na dapat mong gamitin sa pagpa-padala ng PARCEL-LUBONG
🌟 Kung Nasa Pilipinas Ka:
Sundin lang ang usual na proseso sa paggawa ng account sa Buyandship. Basahin dito kung papaano gumawa ng Buyandship Account.
🌟 Kung Nasa Ibang Bansa Ka:
Gaya ng sinabi namin kanina, kailangan mo ng PH mobile number kung gagawa ka ng account sa Buyandship. Maari kang humingi ng number mula sa mga kamag-anak, kaibigan, o mahal mo sa buhay na nasa Pilipinas o kung mayroon kang gumaganang PH sim card habang nasa ibang bansa ka, pwede mo rin itong magamit. Basta’t mai-verify mo ang account mo, magagamit mo lahat ng features ng Buyandship. Basahin dito kung papaano gumawa ng Buyandship Account.
Step 02: Magpadala ng PARCEL-LUBONG sa Kahit Saan sa 12 Shipping Addresses ng Buyandhip Kasama ang User Member ID Papunta sa Pilipinas
Lahat ng PARCEL-LUBONG na nais ninyong ipadala sa aming overseas warehouse ay kailangang maipadala ng lokal na koreo o kailangang manggaling mismo sa online international site na pinagbilhan mo gaya ng Amazon, eBay, atbp. Tandaan na lahat ng maipapadalang PARCEL-LUBONG sa aming overseas warehouse ay kailangan ng TRACKING NUMBER.
Kung wala o hindi ninyo alam ang TRACKING NUMBER ng padala, antayin ang email ni Buyandship na naglalaman ng tracking number nito upang mai-deklara mo na ang iyong shipment. Gamitin ang warehouse address ng Buyandship at Member ID kapag magpapadala, makikita mo lahat ng iyan sa ilalim ng ‘Dashboard’ sa iyong account. Hanapin ito rito.
🌟 Kung Nasa Pilipinas Ka:
Kung ikaw ang may hawak ng Buyandship account at gusto mong humingi ng PARCEL-LUBONG sa kamag-anak, kaibigan, o mahal mo sa buhay galing sa ibang bansa, ibigay mo lang sa kanila ang BNS Address at Member ID, magbasa at siguraduhing naituro mo na sa kanila kung ano at paano gamitin ang Buyandship. Importanteng maipadala nila ang PARCEL-LUBONG mo sa address ng Buyandship at mailagay ng tama ang Member ID mo at Billing Address nila upang walang maging problema. Sa mga nagsi-simula lang ding gumamit ng air freight forwarders, basahin rito kung paano gamitin ng tama si Buyandship
🌟 Kung Nasa Ibang Bansa Ka:
Kung nasa ibang bansa ka at nais mong magpadala ng PARCEL-LUBONG sa kamag-anak, kaibigan, o mahal mo sa buhay na nasa Pilipinas, mayroon kang 2 paraan kung paano magpadala:
- Ipadala ang PARCEL-LUBONG sa aming overseas warehouse gamit ang lokal na koreo ninyo diyaan o;
- Bumili ng direkta sa online international site (gaya ng Amazon, eBay, atbp) at ipadala ito sa aming overseas warehouse kasama ng Member ID mo. Sa ganitong paraan hindi mo na kailangang mag-tanong at aralin kung paano gumamit ng lokal na koreo.
Mariing tandaan na kung balak ninyong magpadala ng PARCEL-LUBONG, mayroon kayong limitations na kailangang sundan. Isa na dito ang mga bagay na bawal i-ship o Prohibited Items, kung tawagin at Shipment Size Restriction, na nagsasaad na lahat ng PARCEL-LUBONG na maipapadala gamit ang Buyandship ay hindi dapat lalagpas sa 55 lbs kung sa Metro Manila ito ipapadala, at 20 lbs kung sa labas ng Metro Manila ipapadala. Nakasaad din dito na hindi lalagpas ng 100 CM ang isang panig at ang sumatotal ng tatlong panig ng iyong shipmento ay hindi rin dapat lumagpas sa 150 CM. Basahin rito kung paano gamitin ng tama si Buyandship
Step 03: I-Deklara ang iyong PARCEL-LUBONG
Kapag nakuha mo na ang tracking number mula sa koreo na pinag-padalhan mo o mula sa kamag-anak o kaibigan mo sa ibang bansa, maari mo ng i-deklera ang mga shipments mo. Punan mo lang lahat ng hinihinging impormasyon gaya ng Product Name, Product URL, Quantity, at Tracking Number.
🌟Kung Nasa Pilipinas Ka:
Kung nasa Pilipinas ka, hingiin mo lang sa kamag-anak, kaibigan, o mahal mo sa buhay ang mga impormasyong kailangan sa pagde-deklara. Basahin rito kung paano mag-deklara ng inyong shipments.
🌟 Kung Nasa Ibang Bansa Ka:
Kung nasa ibang bansa ka naman, punan mo lang ang mga impormasyong kailangan para mai-deklara ng tama ang iyong PARCEL-LUBONG. Basahin rito kung paano mag-deklara ng inyong shipments.
Step 04: Antayin dumating sa “Arrived at Our HK Warehouse” ang iyong PARCEL-LUBONG
Antaying dumating sa “Arrived at HK Warehouse” ang iyong PARCEL-LUBONG, ito ay simpleng matatagpuan sa Parcel Management. Maari mo nang i-checkout ng isahan ang iyong mga shipments o i-consolidate ito sa pamamagitan ng pag-check sa box, katabi ng iyong Tracking Number. Pagdating ng iyong PARCEL-LUBONG sa aming HK Warehouse, mayroon kang LIBRENG Consolidation Service at LIBRENG 30 Days Storage.
🌟 Kung Nasa Pilipinas Ka:
Gaya ng nauna naming sinabi, maari mo nang i-checkout ang iyong PARCEL-LUBONG kapag nakarating na ito sa aming HK Warehouse. Sa pag-checkout, punan lang ang mga impormasyong dapat punan upang maka-tuloy sa pagbayad ng Shipping Service ng Buyandship. Nasa sa inyo na ng kamag-anak, kaibigan, o mahal mo sa buhay galing ibang bansa kung sino ang magbabayad.
🌟 Kung Nasa Ibang Bansa Ka:
Parehas lang ang proseso kapag nasa ibang bansa ka, maari mo nang i-checkout ang iyong PARCEL-LUBONG kapag nakarating na ito sa aming HK Warehouse. Sa pag-checkout, punan lang ang mga impormasyong dapat punan upang maka-tuloy sa pagbayad ng Shipping Service ng Buyandship. Nasa sa inyo na ng kamag-anak, kaibigan, o mahal mo sa buhay galing ibang bansa kung sino ang magbabayad.
Step 05: I-Checkout at Bayaran ang Shipping Service ng Buyandship
Naka-depende sa timbang ng shipment mo ang babayaran mong Shipping Fee. Ang Buyandship ang may pinaka-mababang rate sa buong Pilipinas na PHP 350 per pound! Hindi mo na kailangang mag-compute ng komplikadong math equations para malaman kung magkano ang babayaran mo.
Makaka-tanggap ka ng email mula sa Buyandship kapag nasa HK Warehouse na ang PARCEL-LUBONG mo. Kailangan mo lang bayaran ang Shipping Service ng Buyandship bago namin ito i-proseso papunta sa mismong bahay mo sa Pilipinas. Sa ngayon, tumatanggap lang ang Buyandship ng Internationally accepted cards gaya ng Mastercard, Visa, GCash, Amex, DragonPay, at Paymaya. Parehas lang ang proseso ng pagbayad sa mga nakatira sa ibang bansa at nakatira sa Pilipinas.
Step 07: Antayin sa Bahay Ninyo sa Pilipinas ang PARCEL-LUBONG!
Eto na! Ang gagawin mo na lang ay antayin ang PARCEL-LUBONG na dumating sa tapat ng bahay ninyo sa Pilipinas. Huwag kalimutang magpa-salamat kung ikaw ang makakatanggap ng PARCEL-LUBONG o tanungin kung natanggap na ng kamag-anak, kaibigan, o mahal mo sa buhay na nasa Pilipinas kung ikaw ang magpapadala.
Note: Ang Buyandship Services ay pwede lamang sa BNS Warehouse Locations – PH Route. Hindi kami nagpapadala ng PARCEL-LUBONG mula sa ibang bansa papuntang ibang basa din, sa Pilipinas lamang kami nagpapadala. Huwag kalimutang tumutok sa aming website o social media platforms para sa mga bagong balita at deals na hatid sayo ng Buyandship!
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
“Ano yung PARCEL-LUBONG?”
Ito ay maliit na padala galing sa mga kamag-anak, kaibigan, o mahal sa buhay mula sa ibang bansa papunta sa Pilipinas gamit ang Buyandship.
“Mayroon bang shipment size restriction?”
Lahat ng single shipment (Per Tracking number) ay hindi dapat lalagpas sa 50 pounds kung nasa Metro Manila ipapadala at 20 pounds kung sa labas ng Metro Manila naman. Kung ang single parcel mo ay lumagpas sa 20 pounds, huwag na itong i-consolidate kasama ng iba mo pang mga shipments:
- Ang bawat panig ng shipmento ay hindi lalagpas sa 100 CM,
- Ang sumatotal ng 3 panig ng shipment mo ay hindi dapat lalagpas sa 150 CM at;
- Ang Volumetric Weight naman ay hindi dapat lalamang ng 5 beses sa aktwal na timbang ng shipment mo
Note: Ito ang Calculation para sa Volumetric Weight: [Length (CM) x Width (CM) x Height (CM)] ÷ 6,000 x 2.2046
“Anu-ano ang mga dapat at hindi ko dapat ipadala?”
Mariing basahin ang aming “Prohibited Items Catalog” bago magpadala ng PARCEL-LUBONG. Kung hindi ka sigurado sa produktong ipapadala mo, mag-iwan ng mensahe sa aming website chat o iba pang social platforms para maka-siguro.
“Paano naman ang custom tax at duties pagdating sa Pilipinas?”
Walang duty at tax kapag PHP 10k pababa ang binayaran mo. Kung mahigit sa isa ang ipinadala mo, mariing tandaan na iko-konsidera ng PH Customs ang pinagsamang shipment value sa sabay na araw na dumaan ito sa PH Customs. Mas mabuting magpadala ng mga bagay na hindi lalagpas sa PHP 10k upang maka-siguro na hindi ka pagbabayarin ng tax.
Isang pang dapat i-konsidera ay ang tamang pag-deklara ng iyong shipments na pasok sa PH Customs Valuation. Nais naming linawin na ang huling desisyon sa taxation ay nasa Customs at hindi kami mananagot sa anumang taxation problems at government policy changes. Ang PHP 1ok de minimis value at forex rate ay nasa kamay na ng PH Customs kapag dumaan na dito sa PH Customs Assessment.
“Insured ba yung mga PARCEL-LUBONGs na ipapadala ko?”
Lahat ng Buyandship Member ay qualified para sa basic insurance plan namin. Ang coverage nito bawat isang parsel ay hanggang 100 USD (o ang katumbas nito sa foreign currency). Bukod dito maari ka ding magdagdag pa ng higit pang insurance gamit ang aming enhanced plan. Basahin ang mga kondisyon nito sa aming “Package Insurance Policy.”
“Paano magpadala ng PARCEL-LUBONG kung bibili ako sa international online site?”
Narito ang mga nagawan na namin ng mas malawak na gabay kung paano bumili sa kaukulang online sites:
- Amazon
- Barnes and Noble
- Carter’s
- Cole Haan
- Disney
- eBay
- Etsy
- Footlocker
- G-Market
- Kate Spade
- Newegg
- Pomelo
- Rakuten
- Ralph Lauren
- Sephora
- Sneakerlab
- StockX
- Taobao
- Wayfair
- Yesstyle
- Yoox